"Pagising ko, isa nalang ang itlog ko..."

yan ang sinabi ko nang makatulog ako sa hapag-kainan







JLongboy
July 15th
Male
Philippines

Ako ay makwento.



   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Sunday, February 01, 2009
We are 1 second advance


Instant Scenario. Flashback from the 1 second advance time difference.

1 second advance time difference. Montage of overexposed memories.

Are we good? No.
Your sight is a never-ending punishment to my eyes, caged in your face.
I stare, your eyes glare.
You caught me looking at you a thousand times. Something too foolish to deny.
Express love? Like an instant noodles cooked in three minutes? Or lets say,
three minutes and one second?

It takes me one second to look at you. Dodging your peripheral vision like a robber anticipating for police officers in the area. Still, you caught me and arrested me on your soft arms that can't be cloned by South Koreans.

Distinct, I love it. We waited. We conquered time. We smoked. We inhale each others smoke. I had nothing to do but to agree, but I don't want you to think that I'm trying to keep up with you.

If I say, "Yes, I like it TOO..." like an ass-kisser but I can't help but agree. We like the same stuffs. "TOO" is us. I hope, one day, you would learn to say and use "TOO" when I say, "I like you".






Posted at 05:35 pm by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Thursday, October 16, 2008
Lost in my translation


Takot akong magkamali. Takot sa pagmamadali.

Umaasa nalang.

Saan? Sa mga pangako mong binitiwan na kailanman ay hindi lumabas sa bibig mo.

 

Pinapaniwala ko nalang ang sarili ko. Umaasa sa wala.

Pigil ako sa mga nais sabihin.

Pigil.


Posted at 12:45 am by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Thursday, August 14, 2008
Ang OJT at pagkapayat. PART 1: Pampanga

 

Kung ibang kamag-aral namin noon ay abala sa pagpasa ng resumes at OJT forms sa mga kilala, sikat at ubod ng yaman na korporasyon na nag-akalang makakamit ng kaparehong dila para matikman ang tamis ng mainstream scene. Walang masama dun, wala akong pakialam sa kanila, ang sa akin lang naman ay huwag maging uhaw sa pangalan at mabuti't maging uhaw sa kaledad.

Oo, dadalhin ka ng pangalan, makikita mo ang mga paborito mong mga artistang matagal ka ng ginagago, harap-harapan, mga nagsasalitang para sa bayan ang inisyatibong tumulong, ewan ko pero pag naririnig ko yun ay naliligo ako sa sarili kong ihi. Nakaka-kilabot ang bawat pag-ahon.

Saan ba kami napadpad?

Minabuti kong itext si Kints, isang kaibigan, magaling na kaibigan. Kinuha niya ako dati na maging artista sa kanyang individual theatre production noon, at ngayon, kinuha niya kaming mga OJT's niya kasama ang dalawa pang matalik na kaibigan.

Kung sa ibang OJT site ay magkakaroon ka ng experience humawak ng mga state-of-the-art photocopying machines, dilaan ang sariling pwet, bumuli ng pagkain para sa ibang tao, bumili ng tao para sa pagkain, lokohin ang sarili at tumili ng malakas pag nakita ang artista, mag-organize ng events, magreport sa TV, pagtripan ang mga staff niyo sa office na feeling boss, kumain ng lunch ng dinnertime, humawak ng malalaking camera, makipag-inuman sa boss, pumunta ng Pampanga para umitim at mag-shoot, mag-Friendster sa opisina, makipaglandian sa kapwa OJT, magkaroon ng realization na meron pala siyang berdeng dugo at...

Mag-SIPSIP sa boss.... (subtext mode, ON!)  

Anyway, sa eskwela kong worth 12k ang OJT na hindi ko naman maintindihan kung para saan ang 12k? Hindi naman namin ginamit ang facility ng kolehiyo, Ayon pa nga sa mga ka-OJT ng girlfriend ko na mga taga San Beda Alabang ay 3k lang ang OJT nila.

12k pala ha. Edi sana may PSP2 na sana ako.

Salamat kay Kints, na-experience namin ang isang makabuluhang OJT, may libre pang trivia mula sa kanya, manghiram ng magagandang libro, manghiram ng mga DVDs, makilala ang mga tunay na mga filmmakers, maka-jamming sa coffee-hopping si Lav Diaz, makapag-Behind-The-Scenes, camera 2 ni Albert Banzon at Khavn Dela Cruz, mapuntahan ang bahay ni John Torres at makapanood, makilala ang mga magagaling na artists.

Ah, eto na, magke-kwento na ako ng mga highlights ng OJT namin/ko.

UNANG SABAK sa amin ng coordinator naming si Kints ay sumama sa Pampanga para kuhanan ang mga nagpapapako sa krus, naghahampas ng likod hanggang sa magdugo, magprusisyon sa init ng araw at magpowerplay na parang si Kristo. Sa aming napagkasunduan ay isa lang sa aming tatlo ni Jet at Brian ang sasama pero ayon, lahat na kami ay nasama.

4:30AM, Holy Thursday, nakatanggap ako ng text, missed call at kung anu-ano pa mula kay Brian, amputcha, late na ako, 5:00AM ang meeting time, so hindi na ako nag-inarte pa, hindi na ako naligo at nagkita na kami ni Brian, napagdesisyunan kong mag-taxi nalang hanggang sa Cubao sa bus terminal. Kung hindi ka nga naman mamamalasin ay kasing bilis ng pilikmata ni manong ang metro niya. Alam mo ba yung pakiramdam na magulangan ng umagang-umaga? Tinanong ko si Manong.

"Parang ang bilis ho yata ng metro niyo ah..." sabi ko,

"Ganun talaga, kung sa East Avenue nga hanggang Fairview eh, magkano na ang aabutin, blah blah"

"Eh pag nagmomotel nga ako mula Fairview hanggang *tooot* eh hindi umaabot ng ganyan kalaking metro Manong!" (Syempre imbento lang yung motmot!)

Tumahimik nalang siya.

5:30 AM. Pagdating sa Victory Liner, hindi kasing victorious ang pakiramdam sa haba ng line para sa ticket. Mabuti nalang ay nandun na pala si Jet at nakapila na.

6:00 AM. Dumating si Kints, dala ang isang malaking tripod, hard case na naglalaman ng 24p na camera (na kasing laki ng maleta) at malaking bag niya. Isipin mong dala ito ng isang payat na babae.

6:23 AM. Maalinsangan na sa terminal.

6:24 AM. Naalala kong hindi nga pala ako naligo.

6:25 AM. Pinipilit kalimutan ang katotohanang hindi ako naligo.

6:30 AM. Bumili ako sa naglalako ng ube macapuno.

6:32 AM. Ubos na.

Pagdating ng 7:30 AM, may tickets na kami, nakasakay din, standing nga lang kaming 3 OJT dahil punuan dahil nga Holy Week. No choice, nakatayo kami mula Cubao hanggang Pampanga, pero sinusubukan umupo sa sahig paminsan-minsan. Nagnanakaw tingin sa isang hot mama sa dulo ng bus pag trapik. Wala akong idea kung gaano katagal ang byahe, ang naalala ko nalang ay ang sakit ng mga hita ko sa bus. Pagdating namin sa Pampanga, init ang kalaban mo, makakalimutan mo ng may diyos kung meron man sa sobrang init. Pero ako, matagal ko ng kinalimutan yun.

Pagdating sa aming tutuluyang bahay sa mga kamag-anak ni Kints, panandaliang dumapo ang likod namin sa malambot na sofa, agad na rin akong naligo at naghanda sa mga gagawin sa araw na yun. Isa sa mga natutunan ko kay Kints ay kalimutang ang salitang "PAHINGA".

Matapos lumamon ay nag-occular kami sa lugar, tiningnan ang mga daraanan ng prusisyon, magpaalam sa mga kinauukulan, makipagkaibigan sa mga taong-bayan, gamayin ang bagong mundo ng Pampanga.

Putang-inang Baranggay Captain yan, nanghihingi pa ng lagay para sa easy access sa front seat space ng cameras para sa pagpapako. 500 daw, may I.D ka na. Nakalimutan ko na kung paano dinaskartehan ni Kints ang lahat pero naka-kuha kami ng I.D mula sa isang international news provider na kakilala niya. Mabalik tayo kay Kapitan. Si Kapitan ang tipikal na corrupt-next-door na malaki ang tyan at nag-aalaga ng mga manok sa bakuran.

Wala na talagang solusyon ang ganitong sistema. Nasanay na tayo eh. Kumbaga sa pakikipagtext, lagi tayong nag-a-unlimited.

Matapos maki-pagbunuan sa mga bouncer-like-bodyguards ni Kapitan ay dumako na kami sa lansangan ng Pampanga, nagliwaliw, tumitig sa magagandang ka-Pampangan. Talaga palang magaganda ang mga ka-Pampangan. (Malalaman niyo mamaya kung bakit! Yikee!)

Maka-ilang beses din kaming sumakay sa mga pedicab na weird ang itsura, pakiramdam ko noon nilalako kami sa mga dumadaan. Medyo creepy din sa kalsada dahil tanghaling tapat ay may kumakanta ng ka-Pampangan version yata ng padasal na ginagawa pag mahal na araw. Nagtataka din ako kung bakit tinawag na mahal na araw ang "mahal na araw". Ano ba tagalog nun? Love the Day? Love the Sun? Medyo walang religious feeling diba? Baduy, baka magalit si Father.

Holy Thursday palang, Hardcore na ang mga nagpu-prusisyon. May mga naghahagip ng mga pira-pirasong kahoy sa likod. Nagtataka ako kung paano yun dumudugo. Yun pala sinusugatan nila ang sarili nila gamit ang bubog o basag na piraso ng bote. Baduy diba? Nagsayang na nga sila ng kahoy at bote eh ang lansa pa tuloy ng daan. Isipin mo nalang ang mga nanay o asawa nilang maglalaba ng mga duguan nilang damit di ba? May naisip ako, bakit hindi nalang magkaroon ng tattoo session tapos isa-isang ido-drowing yung 12 apostles sa buong katawan kabilang na ang mga pinsan nila? Mas artstic yun, mas malinis pang tingnan. Mas makikilala pa ng taong bayan ang silbi ng 12 apostles.

Kina-gabihan, nagkasundo na humiwalay kaming OJTs para bumili ng pagkain dahil sa katotohanang ayaw namin umasa sa tinutuluyan namin. Nakaka-hiya na kasi, para kaming nang-hitch sa van na pang-pamilya at nag-iwan pa ng isang box ng pizza sa sahig. Dahil hindi naman namin kabisado ang "bayan" dahil medyo tago na yung bahay namin ay umasa nalang kami sa pagtatanong-tanong. Umabot din kami, bilib din ako sa galing pagdating sa direksyon ni Jet at Brian, kung ako lang mag-isa ay malamang magpapako nalang ako sa krus bukas para madaling mahanap.

Tulad ng inaasahan ko, mas maraming magaganda sa "bayan" at mukhang masasarap pa nga SILAng magluto tulad nga ng sabi-sabi. Pero ewan ko, medyo ayaw ko maniwala sa kasabihang yun. Kasi magkalasa lang ang Chicken MCDO sa Morayta at Pampanga. Nauwi kami sa pagpapaluto ng BBQ, chicken, isaw at kung anu-ano pa.

Pag-landing sa bahay, patay lahat ng ilaw, isa yung malaking compound na may 3 bahay, kasya ang 10 kotse kung tutuusin. Magagandang bahay. Nauwi kami sa pagpasok sa gate, madilim na, Nanggagaling nalang sa yosi ko angbahagyang liwanag. Naka-upo lang kami sa bench animo'y mga akyat-bahay na nag-aantay ng huhuling pulis. Umalis ang mga may-ari, kumain daw sa labas, sila na yata ang hardcore na hospitality, sobrang babait talaga, ang bait kasi ni mommi este ni tita.

Dumating na sila Kints, kinapa ang secret key, bukas ng pinto, sinalubong kami ng mga shit-zhu, masarap siguro silang apakan tapos tirisin sa mata. Pero totoo palang nakaka-alis sila ng pagod.

Hinanda na namin ang hapag-kainan. As usual, si Jet ang cook, siya ang 3rd world-known-famous sa pagluluto, kaya niyang gawing menudo ang sardinas at tinola ang corned beef. Kakalimutan mo ang nanay mo sa luto niya. Ako naman ang taga-handa ng lamesa. Ang hindi nila alam, nilalaro ko yung mga aso nung hinanda ko yung mga kutsara at tinidor, mabuti nalang at nag-kamay ako.

Dumating na sila daddy este sila tito, yung may-ari ng bahay, kumbaga, mga ampon kami.

Matapos kumain, nanonood ng 300 ang pamilya, napaka-ganda ng timing para sa okasyon. Naisip ko tuloy kung mga nagpuprusisyon eh sisigaw ng "AHU! AHU!"

Gabi na nun. Pinilit ako matulog ni Kints. Sige na nga,


Abangan ang part 2.


"Alam mo, mahilig ka magkwento!" - Gilbert Sicat





 


Posted at 02:47 am by JLongboy
Comment (1)  

Ang Pananabik.

Nag-umpisa na naman ang pagkamot ko sa di ko pantay na bayag.
Pilit dinadama ang katotohanan na ang kati
ay mananatili.

Nag-umpisa na naman ang aking "drive" sa napakaraming bagay.

Sana'y di ako mabunggo sa "drive" na ito at pulutin ako sa Lerma.

Bahagya ko ng pinaghahandaan ang bagay na kung saan ako naiwan.
Hinding hindi ako papayag na hindi ko magawa ang ka-isa-isang bagay na tanging gusto ko makuha sa susunod na taon.

Babanggain ko, itutumba ko LAHAT ng haharang,

Abangan niyo "Ang Pananabik"





Posted at 02:29 am by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Saturday, February 09, 2008
Paraos

 

kwentong pagdumi ng nangyari kanina, kaiinitan ng MassCom G.A (friday)

-----------------------------------------------

May ginawa kami dating short film tungkol sa pagdumi ng isang tao. Kanina, pakiramdam ko ay naramdaman ko lahat ng yun. Walang hiya, sumama ang tiyan ko, naghanap ako ng tissue, wala. Naglibot ako, palakad-lakad at baka mawala ang nararamdaman. Walang pagbabago. Umiikot, kumikirot.

Malapit ng dumungaw si kaibigan.

Nakita ko ang kaibigan kong si Cai at humingi ng tissue, meron daw sa DepComm, binigyan niya ako ng isang fly ng Jolibee tissue, sabi ko damihan niya at napu-pupu na ako. Umakyat ako sa 4th floor kung saan konti ang tao, ngunit pag-akyat ko ay may mga dancers na nagpapraktis at labas-pasok sa toilet.

Ako ang tipo ng tao na hindi mo mapapa-pupu sa hindi ko bahay. Kaya minsan talagang hirap ako. Nag-iinarte pa. Bwisit, malapit na dumungaw si kaibigan.

Minabuti kong pumunta sa Admin Building kung saan recommended ng mga kaibigan kong sina Brian at Jet na masarap mag-pupu dun at kumpleto ng sabon at tabo. Tumakbo ako papunta dun, pagdating ko sa pintuan. NAKA-LOCK.

Hindi maibsan ang nararamdaman ko. Para bang pag-ibig ng pwet ko at ng toilet bowl. At yun, naisipan kong umakyat sa Technology Building na bagong-bago.

At yun nga, umakyat ako ng umakyat, pagdating ko sa 5th floor, walang tao sa hallway, pati sa CR, takbo! Swerte, malinis ang toilet dun. Panalo. At dun na nga nag-umpisa ang pag gawa ko ng aking obra maestra. Walang pumapasok na tao. Winner ang CR!

Maya-maya, may pumasok, maingay ang takong. Di naman ako nagtaka. Tapos binuksan niya ang katabing cubicle, tapos pakiramdam ko ay umupo siya o basta parang pakiramdam mo ang ginagawa niya sa kabila.

Sabi ko sa sarili ko na mukhang may food poisoning at dito din naisipan pumunta.

After 10 secs, isang mahaba-habang tunog ng ihi ang nadinig ko. Bangis! Grabe!

At nadinig ko na naman ang tunog ng takong ng sapatos. Umalis.

Maya-maya pa, tapos na ako at tumayo ay naisipan kong bumwelo palabas. Tutal tahimik na at kalmado na ang sitwasyon. Nadidinig ko nalang ang mga taong naghuhugas ng kamay sa lababo at tunog ng gripo.

Paglabas ko, mga nagme-make-up yung dalawang tao. Dedma ko lang since sanay na ako sa building namin na may mga bading na mukhang babae na naglalagay ng kolorete sa mukha.

Tumagal ng mga 20 segundo bago ko napansing naka-skirt na uniform sila na pangbabae.

At halos 20 segundo na din silang nakatitig sa akin habang nag-aayos ako ng buhok. Parang may mali yata...

Dahan-dahan kong binuo ang sarili ko at napag-alamang CR pala ito ng babae.

Nagtawanan nalang kami at umalis na ako at sinamaan ko ng tingin ang sign ng babae sa gilid ng pintuan.

Minsan na nga lang dumumi, sablay pa yung lugar.

P.S

Ganun pala umihi ang mga babae. Katakot. Para talagang gripo na may 2 inch na butas yung pressure. Haha... Anyway. Apir.

 

- JLongboy

 


Posted at 01:28 am by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Thursday, January 31, 2008
Madugong Pagbabalik

Ang bote na may tsupon.

Inilagay sa matres.

Para?

Lumaki ang bata sa tiyan at hindi na lumabas?

Kasya ba ang bote?

Pagkakasyahin.


Posted at 10:37 pm by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Sunday, December 23, 2007
girlfriend

 

2007 - Taon na labis kong ikinatuwa at ikinadismaya.

Dito ako nagkaroon ng unang girlfriend.

Dito din sa taon na ito natapos.

Dahilan? Pagkakaiba ng prinispyo, pag-iral ng awa at ilang hindi maka-mundong paliwanag. Natapos kami ng maayos. Di ko na siya mahal noong araw na huli kaming nagkita pero aminado akong minahal ko siya ng lubos. (Pero di tulad ng pagmamahal ko sa first love ko. J.A)

Anyway, bomalabs yung ex ko. Sinabi niya sa akin na friends daw kami kahit na tapos na ang namamagitan samin. Ayos sa akin, masaya akong madinig yun. Pero bakit ganun, di siya nagrereply at ang pinakamasama pa dun...

BINURA NIYA AKO SA FRIEND LIST NIYA SA FRIENDSTER

wow, bitter ba siya? ako ang tumapos ng relasyon pero bakit ganon? matino naman ang paghihiwalay.

GULITY? Err.

"SINUNGALING SIYA". sa mga kaibigan niya, pakisabi nalang to sa kanya.

Kaibigan, kaibigan... hahaha...

-----

2008 - Sana may girlfriend na ako ng taon na ito. At hindi kami matatapos kahit 3008 na. =)

 

- JLongboy


Posted at 09:01 pm by JLongboy
Comment (1)  

Pahapyaw

 

X: Haha, o bakit di mo pa siya tinawagan?

Y: Busy nga...

X: Woshoo, ano namang sasabihin mo sa kanya?

Y: Magpapaturo ako manligaw...

X: Weh? Di ka marunong?

Y: Marunong. Pero di ako marunong manligaw sa babaeng may boypren na.

*end*


Posted at 08:37 pm by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Thursday, December 13, 2007
Katanungan bago mag-pasko.

 

Madaming relihiyon ang hindi naniniwala o hindi pinagdiriwang ang pasko.

Edi dapat wala silang Christmas vacation at Christmas bonus?

 

- JLongboy


Posted at 08:30 pm by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Sunday, November 25, 2007
History class. ( ANG HABA )

~

Noong first year college ako, 1st sem, ay nabagsak ko ang isang subject.

Ang HISTORY1. Simula nun ay sinumpa ko ang prof ko doon. Tuwing nakikita ko siya sa school at nakakasalubong ko ay nginingitian niya ako ng may halong sarcasm. At kung tatanungin mo ako kung bakit ako bumagsak? Maniwala ka sana sa sasabihin ko.

1. Yung prof na yung ay galit sa aming mga masscom. - Sa sinawing palad ay napunta siya sa amin. Maiingay lang daw kami, pwes, tingnan natin sa pangalawa kong paliwanag.

2. Kwentong Bumbero - Kung ikaw ay prof sa History1 ay dapat mong ituro tungkol sa Philippine History ayon sa patuntunan ng History Department eh ang kaso kwento lang siya ng kwento. Kwento? Kwento ng ano? Ipagyayabang niya ang kanyang so called "WORLD TOUR" sa klase. Sa isang meeting ay ikekwento niya ang kanyang trip sa Japan, Africa, Indonesia, Singapore, Binondo, Divisoria, Cavite, Mindoro, Batangas, etc.

Pag tinanong ka niya kung taga-saang probinsya ka, mag-expect ka na ang sasagutin niya ay

"Oh really? I've been there last summer! Malapit ba kayo sa blah, blah?..."

Akala mo napuntahan niya na ang buong mundo at alam ang bawat kanto.

"Naku class, ano ba naman kayo? Hindi niyo alam ang lugar na ito?!"

Galit pa yan, sabi ko sa sarili ko: "Isang araw, kikidnapin kita at ililigaw sa malayong lugar at pag nagawa mong mahanap ang daan ay magda-drop na ako sa History1"

Mabalik tayo ng 1st year. Isa mga kaklase ko na nasa UP na ngayon ang nagtanong at sumalungat sa kinekwento este tinuturo ng baboy kong prof. Minsan na nga lang magturo ay na kwestyon pa. At sa pagsalungat niyang yun ay binagsak kami halos lahat. Nakalimutan ko banggitin na pagkatapos niyang magkwento ay magpapabasa siya ng ilang CHAPTERS para sa quiz o exams.

Yan ba ang kaledad na prof?

Dumating ang 3rd year second sem sa buhay ko at naisipan kong kunin ang History1. Tanong sa akin ng schedule encoder, "Sure ka na ba?"

At yun nga, kinuha ko ito. Gumalantang sakin ang di ka-aya-ayang tanawin. Siya ulit ang prof ko. Gulatan na lang kami at namukaan niya ako, at syempre nandyan na naman ang kakaiba niyang ngiti.

Pero bago ako dumako sa climax ng kwento, nagkaroon ng problema sa section na kinalalagyan ko. Dahil sa aking kalkulasyon ay halos 62 lahat kami sa classroom sa orihinal na 40 lang dapat. At wag ka, dahil sa 62 na yun ay halos 30+ na foreign students. Mula sa Mongolian, Chinese, Taiwanese, Korean, Nigerian at isang taga-Libya. Medyo weird ang feeling kung medyo mas dominant ang force ng mga dayo kaysa sa mga Pinoy. Mas maingay pa kasi sila at parang maiinit ang ulo. Lalo na yung mga Koreans, konting aberya lang parang gustong makipag-suntukan, minsan tinutulungan mo na ay parang siya pa ang galit.

Ang mga Chinese at Taiwanese naman parang mg takot magulungan at mapagtripan, mas matanong sila kay sa Koreans ay medyo mapagkumbaba pero kakaibang ego talaga.

The rest, ok naman.

At habang nagkaklase ay aburidong-aburido ang prof ko dahil nga sa sobrang dami ng foreign student. Kunwari pa ang baboy na ito na badtrip siya sa kanila pero ang totoo ay sobrang sablay lang siyang mag-English at di sila magkaintindihan.

"You! Chinese, yes, you know Recto? Many books! No? There near Morayta, many bad people, you know?"

Kawawa naman, sino? Siya, dahil sablay sa mga simpleng bagay. Mga foreign students dahil napunta siya sa kamay ng real-life Satanas.

From her: " Naku, alam niyo class, di makakapasa sakin itong mga ALIENS na ito, alam ko na, hindi ko sila hahayaang makapasa, hehe, NO WAY!"

Walang hiya ano? Madami na ngang pagkukulang sa pag-intindi sa English ang mga dayuhan ay ganyan pa siya umasta. Kaya hinati niya ang section para mabawasan ang mga foreign students.

Kasama kaming nahati. Paalam sa iyo Baboy.

Dapat ay ipapamuka ko pa sa iyo na HINDI mo dapat ako binagsak sa History1.

- JLongboy


Posted at 07:24 pm by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Next Page