"Pagising ko, isa nalang ang itlog ko..."

yan ang sinabi ko nang makatulog ako sa hapag-kainan







JLongboy
July 15th
Male
Philippines

Ako ay makwento.



   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Monday, November 12, 2007
~ Race Wish

 

Ok, una sa lahat di ako marunong mag gitara at wala akong balak matutunan yun. Pero sobrang natuwa ako sa gitaristang ito ng Hizaki Grace Project na si Hizaki. Panoorin niyo ang guitar solo niya.

Hindi ko alam ang depenisyon ng ibang gitarista sa magaling pero grabe, para akong kinakausap ng gitara niya.

for some funny reasons, I cant embed videos from youtube in blogdrive. awts.

so here's the direct link. http://www.youtube.com/watch?v=rDjumx-mY-Y

 

by the way, HE is a GUY. And that's NO emo, it's Visual Kei.

 

- JLongboy


Posted at 09:57 am by JLongboy
Papalag? Dito ka...  

Sunday, November 11, 2007
~ Naranasan mo na bang mawalan ng dahilan?

 

Naranasan mo na bang maubusan nalang bigla ng dahilan para sa bagay na gustong gusto mong gawin?

Kung dati ay di ka naman nagtatanong kung bakit kailangan ng dahilan para gawin ang bagay na gusto ko. Unti-unti akong bumibitaw. Unti-unting maglalaho.

Kanina, nasa hardin ako at nagsu-shoot ng aking 'short film' para naman ilabas ang pagkaligalig ko. Tipong abstract lang. Walang artista kundi ako, mga halaman, kotse, insekto, gate at anu-ano pang nakasabit. Masaya ako, ganado, walang pumipigil sakin.

Pero pag-upo ko sa harap ng computer at akma ko ng i-eedit ang nagawa ko. Biglang sangkatutak na tanong ang bumagabag sa akin. Mga tanong. Mga sagot na naghahanap ng tanong.

Sa totoo lang sa tingin ko ay kailangan ko pang sisihin ang sarili ko. Para akong gago, kumagat sa sariling pain.

Mahirap bawiin ang mga bagay na naibigay mo na. Para kang bumili ng pirated CD, no refund pero pwedeng exchange.

--

Sa kabilang banda, masaya ako sa bago kong section. Halos 4 lang kasing lalaki at the rest ay mga babae at mailang-ilang na bading. Masaya, kwela lahat, walang pagkakataon na sisimangot ka sa kanila. Salamat sa kanila.

 

-JLongboy


Posted at 09:38 pm by JLongboy
Comments (2)  

Monday, November 05, 2007
~ BARANGGAY ELECTIONS

 

Alas tres ng hapon nagsasara ang mga voting precints, alas dos na ng humiga ako sa kama ng magulang ko para makinood ng TV.

Nanay: Anak, magready ka na, pumunta ka na para makaboto ka na.

Ako: Ayokong bumoto.

Nanay: Kailangan mong bumoto, right mo yan bilang isang mamayan.

Ako: May right din akong hindi bumoto. Di ko nga kilala yang mga yan eh.

Nanay: Mate-trace nila pag di ka bumoto, kailangan yan, parang attendance.

Ako: Edi sasabihin kong lagi akong may sakit pag botohan, kunwari may lagnat ako.

Nanay: Hay nako, pumunta ka na! Wag matigas ang ulo! Di ka good citizen.

Ako: Bakit, good ba ang mga iboboto ko?

 

she deadpans.

 

Basta ako, ayoko bumoto. Pero pumunta pa rin ako para masabi naman na masunirin ako. Hula-hula lang yung mga pangalan. Eh kasi nga wala naman akong kilala dun. Badtrip.

 

- JLongboy


Posted at 08:49 pm by JLongboy
Comments (2)  

Friday, November 02, 2007
~ MY REACTION PAPER.

 

Bilang isang MassCom student ay naatasan kaming pumunta sa isang network station para sa isang STUDIO TOUR. Noong una ay may i-eedit dapat kaming video para sa MassCom General Assembly kaya inakala ko talagang di na kami kasama. Kaya lang, pati yung shoot eh hindi natuloy so... wala kaming i-eedit. At wala kaming choice kundi pumunta sa istasyon. Pero ayos lang, may konti akong natutunan, salamat na din sa paborito kong Prof.

Noong una palang ay alam ko na ang kalalabasan namin, ito ay para maging studio audience. Mga gagong nagsisipalakpakan sa senyas ng floor manager. Yun ang ayoko sa lahat, maging alipin, maging sunod-sunuran, gumawa ng labag sa kalooban mo. At dahil natapat pa kami sa isang showbiz talkshit show, may mga nahalong mga die-hard fans ng mga local celebrities, isa dito ay ang isang Lolang-almost-dying-fan ni Kim Chu.

Bigla kong naalala ang lola ko, kung hindi ako nagkakamali ay mas matanda ang babae na naka-upo sa harapan namin kaysa sakanya. Tuwang tuwa ito ng pinahawak sa kanya ng staff ang isang malaking tarpaulin ni Kim Chu saka nung leading man niya. Galak na galak ang lola, pero awa ang nangingibabaw na naramdaman ko sa kanya. Para kasing yun lang ang saya niya, ang makita ang paborito niyang artista.

Lumabas ang magkapareha, kinilig si Lola. Lumapit na naman ang staff para naman mamigay ng mga cards na may litrato nila Kim Chu. At dahil gago ang mga kasama ko, nantrip, "Naku, yang si Kim, ano yan dai... blah, blah..."

Di mapirme si Lola, gustong magreact sa amin. Pero hindi niya nagawa. Habang walang kapaguran ang floor manager sa pag instruct sa amin tuwing off-air na pumalakpak ng malakas at ipakita sa mundo na nagbayad kami para pumalakpak at magmukhang gago.

Di ko din magets kung bakit ba tayo nangingialam sa mga buhay ng mga artista? Ano ngayon kung may naka-away si ganito, may nabuntis si ganyan, nabunggo si kwan at nautot sa taping si ganire. Bakit ba sandamukal parin ang kumukunsumo dito? Kailangan ba ikaw ang unang makaka-alam tungkol sa artista? Giginhawa ba ang buhay at yayaman ka kung nalaman mong may bagong bulbol na tumubo sa paborito mong artista? Eto ba? Eto ba ang source of entertainment na hinahanap ng Pilipino?

Kaya tayo napag-iiwanan, ni sarili nating buhay di natin matanaw, inu-una pa ang sa mga artista.

FUCK MAINSTREAM TV and CINEMA!

Magpasakal pa kayo sa kanila. Di ko sinasabing di kayo manood, ang sinasabi ko lang, matuto tayong mamili at salain ang napapanood natin.

Eto nga pala ang reaction paper ko para sa studio tour:

 

Reaction Paper for the Studio Tour

 

When I first heard about the studio tour, honestly, I didn't get excited at all. Countless thoughts swiveled my mind, first, I can't even imagine myself sitting on our couch and watch this showbiz entertainment show "The Buzz." I don't really care about our local showbiz personalities, I hate them to death. And I don't know why people consume this kind of entertainment, they care so much for other's artificial life while they can't handle theirs. Why people enjoy the fuss of knowing that this actor hates the other, or why this actress got pregnant. I'm glad that our television sets has this kind of filter that regulates and avoid this kind of shows, or maybe I should just thank my family that they don't watch it.  Enough of my rants, I honestly enjoyed the tour.

 

I wasn't really coping up with my other classmates and the tour guide. I don't watch any of the studios we went except for TV Patrol. When we got to the Deal or No Deal studio, I am so impressed on the lights on the ceiling. My classmate Brian and I wondered how the technical directors are able to manipulate those hundreds of lights. Though I wasn't able to see the cameras they were using, looking at the set itself I know how hard it is to capture from those angles and flaws of the set. But among all the set that we've been, TV Patrol's studio made me drool. Just standing beside that 10 million worth of high-end cameras, standing and roaming around in the set and pissing-off the guard is so much fun. I am a big fan of Ted Failon so I stood up in his area and tried to imitate him, but the 10 seconds of fun were ruined by manong guard.

 

The tour's highlight was being part of the audience were forced to clap and show those banners with random actors and actresses and show the world how crazy you can be as a fan. Being forced or commanded to clap is one of the reasons why I hate being part of the studio audience. We paid them for us to clap? Honestly, I would rather clap those people behind-the-scenes rather than those hosts. I am so into that cameraman that controls the crane shots. He's like playing with that thing and seems like calculated almost every inch of its allowance space that the camera passed. Also the crew or the team that were always on a hurry were able to execute and made everything smoothly.

 

Though I hate the idea of going to studio tour, I admit that I learned a lot from it. Ma'am Cherish gave us the taste of how it feels to be in the field. I just realized how hard-headed I am and maybe I would regret if I have not gone to the tour. Though I still won't watch those TV shows, now I know how difficult it is to do a live program in which everything could go wrong. It gave me some hope and more ideas that I could apply on our future plans and activities.

---

 

Gumaganon pa...

- JLongboy


Posted at 09:49 pm by JLongboy
Comment (1)  

Tuesday, October 30, 2007
UNANG POST SA BAGONG BLOG

 

 

~ Sembreak, walang magawa.

Naiinis ako sa blogspot dahil laging palyado ang log-in ko, laging "page cannot be displayed" sila sa akin, malamang dahil naka dial-up lang ako.

Anyway, bago ang lahat, wag ka sanang mag-isip ng kaberdehan sa title ng blog ko, dahil gusto kong maging kwela ito ay naisipan kong ilagay ang title ng balak kong 1 minute short film.

Ang titulo ay hango sa totoong pangyayari ng inyong lingkod, isang umaga bago umalis ng bahay ay kumakain ako ng agahan. Kasanayan na dalawang fried egg ang niluluto para sa akin. Pag-upo ko sa hapag-kainan, naka-idlip ako habang naka-upo at pagising ko...

JLongboy: Hala? Bakit isa nalang yung itlog ko?

Lola: Ay, isa nalang kasi yung natira eh.

Medyo natawa din ako sa tanong ko, paano nga kaya kung pagising mo ay isa nalang ang itlog mo? o isa nalang ang boobs mo? Mga tanong na walang malisya.

Bakit ba laging dalawa dapat? Laging may kapares?

Ewan. Mabuti ang puso ko ay isa lang (wooh, cheesy!)...

Pero ngayon, naghahanap ito ng kapareha.

- JLongboy


Posted at 08:27 pm by JLongboy
Comment (1)  

Previous Page