"Pagising ko, isa nalang ang itlog ko..."

yan ang sinabi ko nang makatulog ako sa hapag-kainan







JLongboy
July 15th
Male
Philippines

Ako ay makwento.



   

<< August 2008 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Thursday, August 14, 2008
Ang OJT at pagkapayat. PART 1: Pampanga

 

Kung ibang kamag-aral namin noon ay abala sa pagpasa ng resumes at OJT forms sa mga kilala, sikat at ubod ng yaman na korporasyon na nag-akalang makakamit ng kaparehong dila para matikman ang tamis ng mainstream scene. Walang masama dun, wala akong pakialam sa kanila, ang sa akin lang naman ay huwag maging uhaw sa pangalan at mabuti't maging uhaw sa kaledad.

Oo, dadalhin ka ng pangalan, makikita mo ang mga paborito mong mga artistang matagal ka ng ginagago, harap-harapan, mga nagsasalitang para sa bayan ang inisyatibong tumulong, ewan ko pero pag naririnig ko yun ay naliligo ako sa sarili kong ihi. Nakaka-kilabot ang bawat pag-ahon.

Saan ba kami napadpad?

Minabuti kong itext si Kints, isang kaibigan, magaling na kaibigan. Kinuha niya ako dati na maging artista sa kanyang individual theatre production noon, at ngayon, kinuha niya kaming mga OJT's niya kasama ang dalawa pang matalik na kaibigan.

Kung sa ibang OJT site ay magkakaroon ka ng experience humawak ng mga state-of-the-art photocopying machines, dilaan ang sariling pwet, bumuli ng pagkain para sa ibang tao, bumili ng tao para sa pagkain, lokohin ang sarili at tumili ng malakas pag nakita ang artista, mag-organize ng events, magreport sa TV, pagtripan ang mga staff niyo sa office na feeling boss, kumain ng lunch ng dinnertime, humawak ng malalaking camera, makipag-inuman sa boss, pumunta ng Pampanga para umitim at mag-shoot, mag-Friendster sa opisina, makipaglandian sa kapwa OJT, magkaroon ng realization na meron pala siyang berdeng dugo at...

Mag-SIPSIP sa boss.... (subtext mode, ON!)  

Anyway, sa eskwela kong worth 12k ang OJT na hindi ko naman maintindihan kung para saan ang 12k? Hindi naman namin ginamit ang facility ng kolehiyo, Ayon pa nga sa mga ka-OJT ng girlfriend ko na mga taga San Beda Alabang ay 3k lang ang OJT nila.

12k pala ha. Edi sana may PSP2 na sana ako.

Salamat kay Kints, na-experience namin ang isang makabuluhang OJT, may libre pang trivia mula sa kanya, manghiram ng magagandang libro, manghiram ng mga DVDs, makilala ang mga tunay na mga filmmakers, maka-jamming sa coffee-hopping si Lav Diaz, makapag-Behind-The-Scenes, camera 2 ni Albert Banzon at Khavn Dela Cruz, mapuntahan ang bahay ni John Torres at makapanood, makilala ang mga magagaling na artists.

Ah, eto na, magke-kwento na ako ng mga highlights ng OJT namin/ko.

UNANG SABAK sa amin ng coordinator naming si Kints ay sumama sa Pampanga para kuhanan ang mga nagpapapako sa krus, naghahampas ng likod hanggang sa magdugo, magprusisyon sa init ng araw at magpowerplay na parang si Kristo. Sa aming napagkasunduan ay isa lang sa aming tatlo ni Jet at Brian ang sasama pero ayon, lahat na kami ay nasama.

4:30AM, Holy Thursday, nakatanggap ako ng text, missed call at kung anu-ano pa mula kay Brian, amputcha, late na ako, 5:00AM ang meeting time, so hindi na ako nag-inarte pa, hindi na ako naligo at nagkita na kami ni Brian, napagdesisyunan kong mag-taxi nalang hanggang sa Cubao sa bus terminal. Kung hindi ka nga naman mamamalasin ay kasing bilis ng pilikmata ni manong ang metro niya. Alam mo ba yung pakiramdam na magulangan ng umagang-umaga? Tinanong ko si Manong.

"Parang ang bilis ho yata ng metro niyo ah..." sabi ko,

"Ganun talaga, kung sa East Avenue nga hanggang Fairview eh, magkano na ang aabutin, blah blah"

"Eh pag nagmomotel nga ako mula Fairview hanggang *tooot* eh hindi umaabot ng ganyan kalaking metro Manong!" (Syempre imbento lang yung motmot!)

Tumahimik nalang siya.

5:30 AM. Pagdating sa Victory Liner, hindi kasing victorious ang pakiramdam sa haba ng line para sa ticket. Mabuti nalang ay nandun na pala si Jet at nakapila na.

6:00 AM. Dumating si Kints, dala ang isang malaking tripod, hard case na naglalaman ng 24p na camera (na kasing laki ng maleta) at malaking bag niya. Isipin mong dala ito ng isang payat na babae.

6:23 AM. Maalinsangan na sa terminal.

6:24 AM. Naalala kong hindi nga pala ako naligo.

6:25 AM. Pinipilit kalimutan ang katotohanang hindi ako naligo.

6:30 AM. Bumili ako sa naglalako ng ube macapuno.

6:32 AM. Ubos na.

Pagdating ng 7:30 AM, may tickets na kami, nakasakay din, standing nga lang kaming 3 OJT dahil punuan dahil nga Holy Week. No choice, nakatayo kami mula Cubao hanggang Pampanga, pero sinusubukan umupo sa sahig paminsan-minsan. Nagnanakaw tingin sa isang hot mama sa dulo ng bus pag trapik. Wala akong idea kung gaano katagal ang byahe, ang naalala ko nalang ay ang sakit ng mga hita ko sa bus. Pagdating namin sa Pampanga, init ang kalaban mo, makakalimutan mo ng may diyos kung meron man sa sobrang init. Pero ako, matagal ko ng kinalimutan yun.

Pagdating sa aming tutuluyang bahay sa mga kamag-anak ni Kints, panandaliang dumapo ang likod namin sa malambot na sofa, agad na rin akong naligo at naghanda sa mga gagawin sa araw na yun. Isa sa mga natutunan ko kay Kints ay kalimutang ang salitang "PAHINGA".

Matapos lumamon ay nag-occular kami sa lugar, tiningnan ang mga daraanan ng prusisyon, magpaalam sa mga kinauukulan, makipagkaibigan sa mga taong-bayan, gamayin ang bagong mundo ng Pampanga.

Putang-inang Baranggay Captain yan, nanghihingi pa ng lagay para sa easy access sa front seat space ng cameras para sa pagpapako. 500 daw, may I.D ka na. Nakalimutan ko na kung paano dinaskartehan ni Kints ang lahat pero naka-kuha kami ng I.D mula sa isang international news provider na kakilala niya. Mabalik tayo kay Kapitan. Si Kapitan ang tipikal na corrupt-next-door na malaki ang tyan at nag-aalaga ng mga manok sa bakuran.

Wala na talagang solusyon ang ganitong sistema. Nasanay na tayo eh. Kumbaga sa pakikipagtext, lagi tayong nag-a-unlimited.

Matapos maki-pagbunuan sa mga bouncer-like-bodyguards ni Kapitan ay dumako na kami sa lansangan ng Pampanga, nagliwaliw, tumitig sa magagandang ka-Pampangan. Talaga palang magaganda ang mga ka-Pampangan. (Malalaman niyo mamaya kung bakit! Yikee!)

Maka-ilang beses din kaming sumakay sa mga pedicab na weird ang itsura, pakiramdam ko noon nilalako kami sa mga dumadaan. Medyo creepy din sa kalsada dahil tanghaling tapat ay may kumakanta ng ka-Pampangan version yata ng padasal na ginagawa pag mahal na araw. Nagtataka din ako kung bakit tinawag na mahal na araw ang "mahal na araw". Ano ba tagalog nun? Love the Day? Love the Sun? Medyo walang religious feeling diba? Baduy, baka magalit si Father.

Holy Thursday palang, Hardcore na ang mga nagpu-prusisyon. May mga naghahagip ng mga pira-pirasong kahoy sa likod. Nagtataka ako kung paano yun dumudugo. Yun pala sinusugatan nila ang sarili nila gamit ang bubog o basag na piraso ng bote. Baduy diba? Nagsayang na nga sila ng kahoy at bote eh ang lansa pa tuloy ng daan. Isipin mo nalang ang mga nanay o asawa nilang maglalaba ng mga duguan nilang damit di ba? May naisip ako, bakit hindi nalang magkaroon ng tattoo session tapos isa-isang ido-drowing yung 12 apostles sa buong katawan kabilang na ang mga pinsan nila? Mas artstic yun, mas malinis pang tingnan. Mas makikilala pa ng taong bayan ang silbi ng 12 apostles.

Kina-gabihan, nagkasundo na humiwalay kaming OJTs para bumili ng pagkain dahil sa katotohanang ayaw namin umasa sa tinutuluyan namin. Nakaka-hiya na kasi, para kaming nang-hitch sa van na pang-pamilya at nag-iwan pa ng isang box ng pizza sa sahig. Dahil hindi naman namin kabisado ang "bayan" dahil medyo tago na yung bahay namin ay umasa nalang kami sa pagtatanong-tanong. Umabot din kami, bilib din ako sa galing pagdating sa direksyon ni Jet at Brian, kung ako lang mag-isa ay malamang magpapako nalang ako sa krus bukas para madaling mahanap.

Tulad ng inaasahan ko, mas maraming magaganda sa "bayan" at mukhang masasarap pa nga SILAng magluto tulad nga ng sabi-sabi. Pero ewan ko, medyo ayaw ko maniwala sa kasabihang yun. Kasi magkalasa lang ang Chicken MCDO sa Morayta at Pampanga. Nauwi kami sa pagpapaluto ng BBQ, chicken, isaw at kung anu-ano pa.

Pag-landing sa bahay, patay lahat ng ilaw, isa yung malaking compound na may 3 bahay, kasya ang 10 kotse kung tutuusin. Magagandang bahay. Nauwi kami sa pagpasok sa gate, madilim na, Nanggagaling nalang sa yosi ko angbahagyang liwanag. Naka-upo lang kami sa bench animo'y mga akyat-bahay na nag-aantay ng huhuling pulis. Umalis ang mga may-ari, kumain daw sa labas, sila na yata ang hardcore na hospitality, sobrang babait talaga, ang bait kasi ni mommi este ni tita.

Dumating na sila Kints, kinapa ang secret key, bukas ng pinto, sinalubong kami ng mga shit-zhu, masarap siguro silang apakan tapos tirisin sa mata. Pero totoo palang nakaka-alis sila ng pagod.

Hinanda na namin ang hapag-kainan. As usual, si Jet ang cook, siya ang 3rd world-known-famous sa pagluluto, kaya niyang gawing menudo ang sardinas at tinola ang corned beef. Kakalimutan mo ang nanay mo sa luto niya. Ako naman ang taga-handa ng lamesa. Ang hindi nila alam, nilalaro ko yung mga aso nung hinanda ko yung mga kutsara at tinidor, mabuti nalang at nag-kamay ako.

Dumating na sila daddy este sila tito, yung may-ari ng bahay, kumbaga, mga ampon kami.

Matapos kumain, nanonood ng 300 ang pamilya, napaka-ganda ng timing para sa okasyon. Naisip ko tuloy kung mga nagpuprusisyon eh sisigaw ng "AHU! AHU!"

Gabi na nun. Pinilit ako matulog ni Kints. Sige na nga,


Abangan ang part 2.


"Alam mo, mahilig ka magkwento!" - Gilbert Sicat





 


Posted at 02:47 am by JLongboy

Rensidoodles
February 2, 2009   05:37 AM PST
 
wasak pare..hahhaha...bitin!
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry